Napanatili ng bagyong Helen ang lakas nito habang patuloy na kumikilos palapit ng Taiwan.
Ang sentro ng bagyong Helen ay pinakahuling namataan sa layong 345 kilometro hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyong Helen ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 195 kilometro kada oras.
Nananatiling nakataas ang public storm signal number 2 sa Batanes.
Nasa signal number 1 naman ang northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands.
Ang bagyong Helen ay tinatayang kikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Inaasahang nasa Taiwan na ang bagyong helen mamayang hapon.
By Judith Larino