(11AM Update)
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Henry na lumakas pa at isa na ngayong tropical strom.
Huling namataan ang bagyo sa layong 415 kilometro Kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 45 kilometro kada oras.
Sa ngayon ay wala nang nakataas na babala ng bagyo sa buong bansa.
Ayon sa PAGASA, bagama’t nakalabas na ng bansa ang bagyo ay inaasahang magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang habagat.
Kabilang sa mga lugar na makakaranas pa rin ng mga pag-ulan dahil sa habagat ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas.
Pinag-iingat ang residente sa nabanggit na mga lugar laban sa posibleng landslides o flashfloods.
Mapanganib din ang paglalayag sa western seaboard ng Southern Luzon.
Samantala, isang low pressure area o LPA ang binabantayan ngayon ng PAGASA na nasa layong 915 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan at posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 36 oras.—AR
—-