Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Huaning kaninang umaga.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, huling namataan ang bagyo sa layong 700 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Basco Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong papalo sa walumpung (80) kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 24 na kilometro kada oras.
Sa kabila nito, nananatili namang mapanganib ang pagpalaot sa seaborads ng northern Luzon maging sa western seaboard ng Central Luzon.
Patuloy namang makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila dahil sa habagat.
By Ralph Obina