Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Igme.
Subalit ibinabala ng PAGASA-DOST o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na patuloy pa ring makakaapekto sa Luzon, Visayas at iba pang parte ng bansa ang southwest monsoon o hanging Habagat.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Igme sa layong 515 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras na may pagbugsong 70 kilometro kada oras at kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.