Napanatili ng bagyong Igme na may international name na Chaba ang lakas nito habang papalabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility
Ayon sa PAGASA ang sentro ng bagyo ay pinakahuling namataan sa layong 700 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes at inaasahang kikilos pa hilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras
Taglay ng bagyong Igme ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 255 kilometro kada oras
Sa susunod na 24 hanggang 48 oras ang bagyong Igme ay inaasahang nasa 960 kilometro hanggang 1600 kilometro hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes o nasa labas na ng PAR
By: Judith Larino