Bahagyang pang lumakas ang severe tropical storm Ineng habang kumikilos patungong Southern Taiwan-Batanes area.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 260 kilometro silangan timog-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 125 kilometro bawat oras.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo mamayang gabi.
Samantala, nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal no. sa Batanes at Babuyan Islands.
Signal no. 1 naman sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.