Pumaspas nang bahagya ang bilis ng Severe Tropical Storm Ineng habang tinutumbok ang direksyon pa-Batanes.
May lakas ito ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 125 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilang-kanluran sa bilis na 30kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands habang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administratio (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo kaninang 7:00AM sa layong 105 kilometro hilaga ng Basco, Batanes.
Inaasahan namang tatawirin niyo ang Bashi Channel ngayong Sabado ng umaga at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon.