Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Ineng habang nasa silangan ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong Ineng ay pinakahuling namataan sa layong 585 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyong Ineng ang pinakamalakkas na hanging umaabot sa 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 105 kph.
Ang bagyong Ineng ay kumikilos pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang public storm signal no. 1 sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte at Apayao.
Dahil sa hinahatak ng bagyo ang southwest monsoon o habagat, mararamdaman naman ang mahina hanggang sa katamtamang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Central Luzon, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, northern portion ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Hindi pa rin inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyo subalit lalakas pa ito at magiging severe tropical storm sa loob ng 12 hanggang 24 oras.
Posibleng sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ineng.