Bahagyang lumakas ang bagyong Isang habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR line.
Ayon sa tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 220 kilometers west ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin malapit sa gitna ng aabot sa 90 km/hour at pagbugsong aabot sa 113 km/hour.
Inaasahang kikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 23 kilometers per hour.
Nakataas ang signal number 1 sa Batanes Group of Islands, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte.
Patuloy na paiigtingin ng bagyo ang habagat na magdadala ng malalakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Northern Luzon, Central Luzon at ilang bahagi ng Visayas.
Posibleng tuluyang lumabas ng bansa ang bagyo mamayang hapon.
AR / DWIZ 882