Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong isang na may international name na Omais.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 605 kilometers, Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 105 kilometers per hour.
Kumikilos ang nasabing sama ng panahon pa-Hilagang Silangan sa bilis na 15 kilometers per hour.
Bagaman wala na sa PAR, makaaapekto pa rin ang Hanging Habagat na inaasahang magdadala ng pag-ulan sa bahagi ng Western Luzon, Visayas at Mindanao.
Makararanas naman ng mainit at maalinsangang panahon ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila. —sa panulat ni Drew Nacino