Bahagyang lumakas ang bagyong Jenny, habang kumikilos pa hilaga – hilagang kanluran.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro nito, 1, 135 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 105 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 135 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Ang bagyong Jenny ay inaasahang kikilos pa hilagang kanluran, sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Sakaling hindi magbago ang bilis ng bagyo, maaring sa Martes ng umaga ay nakalabas na ito ng bansa.
By Katrina Valle