Bahagyang bumilis ang Bagyong Jenny habang kumikilos sa direksyong pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Jenny sa layong 395 kilometro silangan ng northeast Virac o 525 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte.
Taglay pa rin nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 25 kph sa direksyong kanlunran at inaasahang tatama sa kalupaan ng Isabela, Surora mamayang gabi o bukas ng umaga.
Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa:
- Cagayan
- Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Aurora
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Bataan
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Rizal
- Hilagang bahagi ng Quezon
- Polilio Island
- Cavite
- Laguna
- Camarines Norte
- Catanduanes
- at northeastern portion ng Camarines Sur.
Inaasahan naman ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Samar Provinces, Quezon, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan.
Habang mahina hanggang katamtaman na may minsanang malakas na ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at BARMM.