Bahagyang lumakas ang bagyong Jenny habang kumikilos sa direksyong pakanluran sa bahagi ng Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Jenny sa layong 530 kilometro silangan ng Virac.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong kanlunran at inaasahang tatama sa kalupaan ng Isabela Aurora mamayang gabi o bukas ng umaga.
Samantala nakataas na ang tropical cyclone wind signal Sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija Tarlac, Catanduanes at hilagang bahagi ng Zambales at Quezon kabilang ang Polilio Island.
Dahil dito inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Bicol Region, Eastern Visaya, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at Quezon.
Habang mahina hanggang katamtaman na may minsanang malakas na ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Zamboanga Peninsula.