Patuloy na kumilos pa-kanluran, hilagang kanluran papalayo sa hilagang Luzon ang Bagyong Jenny.
Huling namataan kaninang 7:00AM ang sentro ng Bagyong Jenny sa layong 215 kilometro kanluran, hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.
Dahil dito nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Cagayan, Apayao, Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, hilagang bahagi ng Zambales at Tarlac.
Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Jenny mamayang hapon o gabi.