Lumakas at bumagal ang bagyong Jenny, habang tinatahak ang karagatang sakop ng bansa.
Ayon kay Jun Galang, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong Jenny sa layong 1, 280 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 85 kilometers per hour, malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot sa 100 kilometers per hour.
Inaasahang kikilos ang bagyong Jenny, pa kanluran hilagang – kanluran, sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Sinabi ni Galang na bagamat wala pang storm signal, pinaiigting naman nito ang hanging habagat na nakaka apekto sa Visayas at Mindanao.
Pinaalalahanan din ni Galang ang mga maglalayag gamit ang maliit na sasakyang pandagat na magiging mapanganib ang paglalayag sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.
By Katrina Valle | Ratsada Balita