Napanatili ng bagyong Jenny ang lakas at bilis nito.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 355 kilometro sa hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 220 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Jenny pa – kanluran hilagang – kanluran sa bilis na 19 na kilometro kada oras.
Nananatili pa din na nakataas ang storm signal number 1 sa Batanes Group of Islands.
Ayon sa PAGASA, posibleng bukas ng umaga ay nasa labas na ng bansa ang bagyo.
By Katrina Valle