Posibleng pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), mamayang gabi o bukas ng umaga, ang tropical storm Dujuan at tatawagin na itong bagyong Jenny.
Huling namataan ang bagyo, 1, 745 kilometro sa silangan ng hilagang Luzon.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 65 kilometers per hour, malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa kanluran hilagang-kanluran, sa bilis na 15 kilometers per hour.
Ayon kay Manny Mendoza, Weather Forecaster ng PAGASA, maari pa magbago ang bilis ng bagyo, lalo na at mayroong High Pressure Area sa kaliwang bahagi nito at mayroon din Low Pressure Area, malapit sa Japan.
Bagamat malayo, sinabi ni Mendoza na paiigtingin pa din ng bagyo ang hanging habagat na magdudulot ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cavite, Batangas, MIMAROPA, Visayas at Mindanao.
By Katrina Valle | Ratsada Balita