Patuloy na lumalapit sa bansa ang bagyong Jenny at huli itong namataan sa layong 1, 120 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 95 kilometro kada oras, malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 120 kilometro kada oras.
Tinatahak pa din ng bagyong Jenny ang direksyon na kanluran hilagang – kanluran, sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Sinabi ni Manny Mendoza, Weather Forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bagamat malayo sa bansa ang bagyo, pinaiigting naman nito ang hanging habagat na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Mendoza, posibleng mamayang gabi o bukas ng umaga ay kumurba at tahakin na nito ang direksyong hilagang-kanluran, patungo sa silangang bahagi ng Taiwan.
Binalaan din ni Mendoza ang mga maglalayag gamit ang maliliit na sasakyang pandagat, laban sa paglalayag sa eastern seaboards ng southern Luzon, Visayas at Mindanao, dahil napakaalon sa karagatang sakop ng mga ito.
By Katrina Valle | Ratsada Balita