Sa ngayon ay normal pa at wala pang napaulat na malaking insidenteng nangyari na dulot ng Bagyong Jenny matapos itong magland-fall sa bahagi ng Casiguran, Aurora.
Ito, ayon kay Undersecretary Ricardo Jalad, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay patunay lamang ng kahandaan ng publiko at mga regional offices sa mga dumarating na bagyo partikular na sa Bagyong Jenny.
Ayon kay Jalad, tanging mga ulat lang kaugnay sa preparedness measures ang kanilang natatanggap mula sa mga iba’t ibang ahensya kasama na ang mga local government units (LGUs) sa mga apektadong lalawigan.
Nagkasa rin aniya ng mga evacuation units sa ilang lugar bilang paghahanda sa posibleng pagbaha bunsod ng ulang dala ng bagyong Jenny.
Walang humpay din aniya ang pagmomonitor ng lagay ng panahon lalo na ng Office of the Civil Defense, Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Interior and Local Government (DILG).
So, maliban doon sa pag-landfall at pag-exit ni bagyong Jenny dito sa landmass ng Luzon, ang mga report na nakukuha natin sa mga regional offices ay walang sinasabing insidente na nangyari kundi naglalaman lang ng mga preparedness measure ng mga iba’t ibang ahensya kasama na diyan ang mga local government units at ng OCD regional offices. So lahat ay naghanda talaga dito kay Tropical Depression Jenny,” ani Jalad.
Nakaantabay naman aniya ang NDRRMC anumang oras para sa mga update ng sitwasyon o mga ulat kaugnay sa posibleng pinsalang naidulot ng Bagyong Jenny sa iba’t ibang lalawigan.
Maaaring walang nangyaring masamang insidente o maaari ding hindi pa pumapasok yung report naman papunta doon sa ating mga regional offices,” dagdag pa ni Jalad.
Ratsada Balita Interview