Tumama na sa kalupaan ng anim na beses ang bagyong Jolina sa bahagi ng Luzon at Visayas.
Dahil diyan nagdala na ito ng mga pagbaha at marami na ring pasahero ang naipit o stranded sa mga pantalan.
Ayon sa ulat, nagdala ng malalakas na hangin at pag-ulan ang bagyo sa bahagi ng Zumarraga sa Samar na nagdulot ng paglipad ng ilang silungan o tent doon.
Binaha naman ang ilan kabahayan sa Leyte at 40 na katao sa tabi ng ilog ang sapilitang inilikas dahil dito.
Nasira naman ang spillway sa San Francisco, Quezon dahil pa rin sa malalakas na ulan dulot ng bagyong Jolina.—sa panulat ni Rex Espiritu