Bahagyang lumakas at bumilis ang bagyong ‘Jolina’ na may international name na ‘Pakhar’ habang kumikilos sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran sa bilis na 24 kilometro kada oras.
Ayon sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysial Astronomical Services Administration, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 120 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 95 kilometro kada oras.
Inalis na ng PAGASA ang lahat ng tropical cyclone warning signals sa ilang lugar apektado ng bagyo.
Gayunman, nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Abra.
Inaasahang lalabas na ng Philippine area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Jolina’ mamayang gabi.