Bumilis at muling lumakas ang bagyong Jolina habang kumikilos palabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR at kasalukuyang nasa bahagi na ng West Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 120 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos.
May taglay itong lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 95 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 24 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, at Abra.
Ibinabala ang masungit pa ring panahon, landslides at flashfloods sa mga nabanggit ng lugar.
Ayon sa PAGASA, asahang maganda na ang panahon bukas sa paglabas ng bagyo sa Pilipinas mamayang gabi.
By Aiza Rendon