Lumakas pa ang bagyong Jolina habang kumikilos papalapit sa bahagi ng Isabela at Aurora.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 210 kilometro timog silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging papalo sa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pabugsong aabot sa 95 kilometro kada oras.
Kasalukuyang nakataas ang signal number 2 sa Isabela, northen Aurora, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, Benguet, Abra, La Union at Nueva Vizcaya.
Signal number 1 naman sa Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Apayao, nalalabing bahagi ng Aurora, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Pangasinan, northern Quezon kasama ang Polillio Island, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur.
Sabado ng gabi inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo.
By Ralph Obina