Lumakas pa ang bagyong Jolina at nag-land-fall na kagabi sa Hernani, Eastern Samar.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Jolina sa border ng Llorente-Hernani sa Eastern Samar.
May dala itong hangin na aabot sa 120 km per hour malapit sa gitna at bugso na aabot sa 165 km per hour malapit sa gitna.
May bilis naman ito na 20 km per hour at patungo sa direksyon na West Northwest.
Dahil sa bagyo, nakataas ang signal number 3 sa Southern portion ng Eastern Samar at Southern Portion ng Samar.
Signal number two naman sa Albay, Sorsogon at Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Northern Samar, nalalabing bahagi ng Samar, nalalaging bahagi ng Eastern Samar, Biliran, at Northern portion ng Leyte.
Habang signal 1 naman sa Southern portion ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Romblon at Marinduque, nalalabing bahagi ng Leyte, Southern Leyte, at Northern portion ng Cebu kasama ang bantayan at Camotes Island, Dinagat Islands, Siargao islands, at Bucas Grande islands.—sa panulat ni Rex Espiritu