Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Jolina na may international name na Pakhar.
Dakong ala sais kagabi nang huling mamataan ng PAGASA ang bagyo sa layong tatlundaan tatlumpung kilometro, hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte o sa labas ng PAR.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa walumpung kilometro kada oras at pagbugso na hanggang siyamnapu’t limang kilometro bawat oras.
Inaasahang magla-landfall sa southeastern China ang typhoon Pakhar mamayang hapon o bukas.
Samantala, tinaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kabuuang dalawanlibo apatnapu’t pito katao o halos limandaan limampung pamilya ang apektado ng kalamidad sa tatlumpung barangay sa regions 2, 3 at Cordillera.
Nalubog naman sa baha bunsod ng malakas na ulan dulot ng bagyo ang ilang barangay sa Bataan, Aurora at Metro Manila.