Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibilty o PAR ang bagyong Jolina bandang 6:15 ng gabi ng Huwebes.
Huli itong namataan sa layong 650 km sa kanluran ng Dagupan City.
Dala nito ang hangin na aabot sa 95 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 115 kph.
Kumikilos naman ito sa bilis na 30 kph.
Wala naman ng nakataas na ano mang tropical cyclone wind signal sa ating bansa dahil kay Jolina.—sa panulat ni Rex Espiritu