Nananatili sa storm signal number 2 ang Metro Manila at 11 pang lugar sa bansa dahil sa bagyong Jolina na patungo ng lalawigan ng Cavite.
Ang sentro ng bagyong Jolina ay pinakahuling namataan sa vicinity ng San Nicolas, Batangas, taglay ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso sa umaabot sa 160 kilometro kada oras.
Ang bagyong jolina ay kumikilos pa hilagang kanluran sa bilis na labing limang kilometro kada oras.
Bukod sa Metro Manila ..kabilang sa nasa ilalim ng signal number 2 ang Northern at Central portions ng Oriental Mindoro at Ccidental Mindoro, Central Portion ng Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Southern portion ng Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales at Tarlac.
Nakataas naman ang public storm signal number 1 ang Marinduque, La Union, Southern portion ng Benguet gayundin ng Nueva Vizcaya at Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Bulacan, Northern at Southern portions ng Quezon, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.
Ang bagyong Jolina ay inaasahang magla-landfall muli sa vicinity ng Bataan peninsula at tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi, huwebes o biyernes ng umaga.