Inaasahan na papasok sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw sa Pilipinas ang ika-sampung bagyo ngayong taon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo malapit sa dulong bahagi ng Northern Luzon.
Nabatid na posibleng paigtingin ng bagyo na may international name na ‘Nanmadol’, ang Southwest monsoon o Habagat ngayong linggo.
Samantala, tatawagin itong bagyong ‘Josie’ oras na makapasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).