Napanatili ang lakas ng tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang patungong silangan-hilagang silangan ng bansa.
Ayon sa PAGASA Weather Bureau, huling namataan ang tropical depression sa layong 1,865 kilometers east of extreme northern sa labas ng PAR na may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyong Josie pa-east northeastward sa bilis na 10 kilometers per hour.
Nabatid na bumabagal ang pagkilos nito patungo sa hilagang-silangan at posibleng biglang lumiko pakanluran hilagang-kanluran ngayong araw o bukas patungo sa hilagang-silangan ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Hinahatak ng bagyong Josie ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na patuloy na lumalakas at nakakaapekto sa ilang lugar sa bansa partikular na sa Luzon at Visayas.
Nagpaalala naman sa ang PAGASA na panatilihing maging alerto at makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng iba pang ahensya para sa kaligtasan ng bawat isa.