Lumakas pa ang bagyong Julian habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo sa layong 170 kilometro timog, timog-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 120 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.
Nakataas na ang public storm signal number 2 sa Batanes at Babuyan Group of Islands habang signal number 1 sa northern Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
By Drew Nacino