Patuloy na lumalakas ang Bagyong Julian habang halos hindi ito gumagalaw sa bahagi ng Philippine Sea.
Batay sa datos ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng Bagyong Julian sa layong 760 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 140 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometro.
Sa pagtaya ng Pagasa, inaasahang mananatili malayo ang Bagyong Julian sa kalupaan ng bansa.
Patuloy din itong lalakas sa susunod na 24 hanggang 48 oras bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng gabi o umaga ng Martes.
Bunsod ng bagyo at pinalakas na southwest monsoon o habagat, inaasahang nakararanas mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang bahagi ng Pangasinan, Zambales at Bataan.
Habang maaari ring makaranas ng mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang Bicol Region at minsanang malakas ng ulan sa Catanduanes dahil sa outer rainbands ng Bagyong Julian.