Nasa West Philippine Sea na ang bagyong Kabayan, at inaasahang lalabas na ng bansa, mamayang hatinggabi.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo, sa layong 70 kilometro sa hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.
Nakataas ang storm signal # 2 sa La Union at Pangasinan; habang nakataas pa din ang storm signal # 1 sa Benguet, Tarlac, Ilocos Sur at Zambales.