Lalo pang lumakas ang bagyong Kabayan at ito ay nasa labas na ng bansa.
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo, 425 kilometro sa kanluran ng Vigan City, Ilocos Sur.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 120 kilometro kada oras.
Ang bagyong Kabayan ay kumikilos pa-kanluran hilagang – kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
By Katrina Valle