Tinatahak na ng bagyong Kabayan ang gitnang Luzon at ito ay huling namataan sa bahagi ng San Jose City sa Nueva Ecija.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa kanluran hilagang – kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sakaling hindi magbago ang bilis at direksyon, maaaring nasa karagatan na ang bagyong Kabayan bago mag alas-11:00 ngayong umaga.
Nakataas ang storm signal #2 sa Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Benguet, La Union, Pangasinan at Tarlac; at ang alon sa karagatang sakop ng naturang mga probinsiya ay maaaring umabot sa 14 metro ang taas.
Nananatili naman ang storm signal #1 sa Metro Manila, Southern Isabela, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Zambales, Pampanga, Bataan, Bulacan, Rizal, at Northern Quezon kasama ang Polillo Island.
By Katrina Valle | Ratsada Balita