Bahagyang lumakas ang Bagyong Karding habang kumikilos pa Kanluran Timog Kanlurang direksyon.
Ang sentro ng Bagyong Karding ay pinakahuling namataan sa layong 795 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ng Bagyong Karding ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 85 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 105 kilometers kada oras.
Ang Bagyong Karding ay kumikilos pa kanluran timog kanluran sa bilis na 15 kilometers kada oras.
Ang tropical cyclone wind signal number 1 ay nakataas sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, the Southern Portion of Mainland Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Iguig, Solana, Tuao, Enrile), Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, and the Northern And Eastern Portions of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Gabaldon, Bongabon, Laur, Rizal, San Jose City, Lupao, Llanera, General Mamerto Natividad, Palayan City, General Tinio).
Ayon sa PAGASA, posibleng umakyat sa Signal 3 ang epekto ng Bagyong Karding at Signal Number 4 naman sakaling lumakas pa ito habang papa landfall.
Antabayanan ang update sa galaw ng bagyong karding mamayang alas- 11 ng umaga.