Lumakas pa ang Bagyong Karding at isa nang severe tropical storm habang kumikilos pa Kanluran Timog Kanluran.
Ang sentro ng Bagyong Karding ay pinakahuling namataan sa layong 660 kilometers Timog Silangan ng Tuguegarao City.
Taglay ng Bagyong Karding ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 100 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 125 kilometers kada oras.
Ang Bagyong Karding ay kumikilos pa kanluran timog kanluran sa bilis na 25 kilometers kada oras.
Ang Public Storm Signal Number 2 ay nakataas sa Timog Silangang bahagi ng Isabela o sa Dinapigue, Hilagang bahagi ng Aurora o Dinalungan, Casiguran at Dilasag gayundin ang Pollilio Islands.
Nasa Public Storm Signal Number 1 naman ang southern portion ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Southern Portion ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Southern Portion ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora
Gayundin ang Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Northern at Central Portions ng Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, Northern Portion ng Batangas, Camarines Norte, Northern at Eastern Portion ng Camarines Sur at Northern Portion ng Catanduanes.
Inaasahang mas lalakas pa ang bagyong karding bago ito mag landfall sa central o Northern Luzon.
Ayon pa sa PAGASA, ang Bagyong Karding ay posible ring humina ito ng bahagya pag landfall habang papatawid ng Central at Northern Luzon.