Patuloy pa ring minomonitor ng PAGASA weather bureau si Tropical Storm Karding na nasa Philippine Sea.
Huling namataan ang Bagyong Karding sa layong 1,235 kilometers silangang bahagi ng Northern Luzon na may taglay ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang Bagyong Karding patungong westward sa bilis na 10 kilometers per hour at posible itong maglandfall sa Cagayan Valley o Isabela pagsapit ng linggo.
Posible ding itaas sa Signal no. 1 mamayang gabi ang Cagayan Valley dahil sa mga pag-ulan bunsod ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat pero wala pang direktang makakaapekto ang bagyo sa anumang panig ng bansa.
Sa ngayon, asahan ang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng CALABARZON, Bicol Region, Bataan, Mindoro Provinces, Marinque, Romblon, at Northern coast ng Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Island.
Buong araw naman na magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila at natitirang bahagi pa ng Central Luzon.
Magkakaroon din ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang buong bahagi ng Visayas habang magiging maulap naman ang panahon sa Mindanao.