Nagbago ang direksyon na tinatahak ngayon ng bagyong Karding.
Ayon sa PAGASA kumikilos ang bagyo sa pa hilagang-silangan sa bilis na sampung (10) kilomerto kada oras.
Huling namataan ang tropical storm sa layong isang libo isandaan at siyamnapung (1, 190) kilometro silang ng Basco Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa animnapu’t limang (65) kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa walumpung (80) kilometro kada oras.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang namataang low pressure area o LPA sa West Philippine Sea.
Inaasahan naman ang patuloy na epekto ng bagyong Karding at LPA sa habagat na siyang nagdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa Western section ng Hilaga at Gitnang Luzon.
—-