Patuloy pang humihina ang bagyong Karding habang tinatahak ang Tarlac at patungong hilagang bahagi ng Zambales.
Namataan ang sentro ng mata ng Typhoon Karding sa paligid ng Mayantoc, Tarlac sa layong 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo patungong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) no. 4 ang ilang lugar sa Luzon partikular na ang Tarlac; northern and central portion ng Zambales kasama na ang Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Marcelino, at San Narciso; at ang southern portion ng Pangasinan kasama na ang Bautista, Alcala, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, Aguilar, Bugallon, Infanta, Dasol, Burgos, Mabini, at Labrador.
Itinaas naman ang Signal no. 3 sa western portion ng Nueva Ecija kasama na ang Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Zaragoza, San Antonio, Talugtug, Lupao, San Jose City, Science City of Muñoz, Talavera, Santo Domingo, Aliaga, Cabanatuan City, Santa Rosa, Jaen, San Leonardo, San Isidro, Cabiao, Peñaranda, City of Gapan, General Mamerto Natividad, Llanera, at Quezon.
Northwestern portion ng Bulacan kasama na ang San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Baliuag, Pulilan, Calumpit, Hagonoy, City of Malolos, Paombong, Plaridel, Guiguinto, at Bustos.
Signal no. 3 din ang Pampanga, nalalabing bahagi ng Zambales; northern portion ng Bataan kabilang na ang Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Morong, Abucay, City of Balanga, Bagac, at Pilar; maging ang nalalabing bahagi ng Pangasinan
Signal no. 2 naman sa central at southern portion ng Aurora kabilang na ang Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, at Dipaculao; southern portion ng Quirino kasama na ang Nagtipunan; Nueva Vizcaya; Benguet; La Union; nalalabing bahagi ng Nueva Ecija; nalalabing bahagi ng Bulacan; nalalabing bahagi ng Bataan; nalalabing bahagi ng Quezon kabilang na ang General Nakar, Infanta; Rizal; Metro Manila; nalalabing bahagi ng western Laguna kasama na ang Santa Maria, City of Calamba, Cabuyao City, City of Biñan, City of Santa Rosa, at City of San Pedro; Cavite; at northwestern portion ng Batangas kabilang na ang City of Tanauan, Talisay, Laurel, Tuy, Nasugbu, at Lian.
Signal no. 1 naman sa southern portion ng Isabela kabilang na ang Delfin Albano, Quezon, Dinapigue, San Mariano, Mallig, Quirino, Gamu, Benito Soliven, Naguilian, Roxas, San Manuel, Burgos, Reina Mercedes, Aurora, Luna, Cabatuan, City Of Cauayan, San Mateo, Alicia, Angadanan, San Guillermo, Cordon, Ramon, San Isidro, City Of Santiago, Echague, Jones, at San Agustin.
Nalalabing bahagi ng Quirino; Kalinga; Ifugao; Mountain Province; Abra; Ilocos Sur; nalalabing bahagi ng Aurora; central portion ng Quezon kabilang na ang Calauag, Lopez, Macalelon, General Luna, Quezon, Alabat, Perez, Gumaca, Pitogo, Unisan, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Lucban, City Of Tayabas, Pagbilao, Lucena City, Agdangan, Plaridel, Padre Burgos, Atimonan, Mauban, Real, Sampaloc, Guinayangan, at Tagkawayan.
Signal no. 1 din sa Batangas kabilang na ang san Nicolas, Agoncillo, Lemery, Calaca, Balayan, at Calatagan kabilang na ang Polillo Islands; nalalabing bahagi ng Batangas; nalalabing bahagi ng Laguna; western portion ng Camarines Norte kabilang na ang Calaguas Islands, maging ang Vinzons, Labo, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, at Santa Elena.
Marinduque; northern portion ng Occidental Mindoro kasama na ang Paluan, Abra de Ilog, Mamburao, at Santa Cruz kabilang na ang Lubang Islands; at northern portion ng Oriental Mindoro kasama na ang Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, at Pinamalayan.
Samantala, patuloy namang nagpapaalala ang Pagasa weather bureau na doblehin ang pag-iingat at panatilihing maging alerto sa posibleng epekto dulot ng bagyong Karding.