Sumampa na sa halos 600 Milyong Piso ang naitatalang pinsala sa agrikultura dahil sa Bagyong Karen.
Wala pa rito ang pinsala sa imprastraktura.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, karamihan sa mga nasalanta ng bagyo ay mga bigas, mais, high value crops, at livestocks tulad ng manok at baboy.
Ito’y sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Sorsogon at Benguet
Halos 200 bahay naman ang nasira dahil sa bagyo.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal