Nananatili sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Karen.
Namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa layong 640 kilometro, silangan ng Catarman, northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro kada oras.
Inaasahan namang magdudulot ng flashfloods at landslides dahil sa malakas na ulang dulot ng bagyo sa eastern Visayas at Bicol Region.
Samantala, posibleng makaranas ng maulap na papawirin at katamtamang pag-ulan ang Davao region kabilang ang Davao City.
By Drew Nacino