Bahagyang bumilis ang bagyong Kiko at kumikilos na ngayon pa-hilagang kanluran patungong dulong Hilagang Luzon.
Ang sentro ng bagyong Kiko ay pinakahuling namataan sa layong 350 kilometro silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan.
Taglay ng bagyong Kiko ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 65 kilometro kada oras.
Ang bagyong Kiko ay tinatayang kikilos pa hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.
Bukas ng umaga, ang bagyong Kiko ay tinatayang nasa 55 kilometro timog timog kanluran ng Basco, Batanes.
Ang public storm signal number 1 ay nakataas sa Northern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands at Batanes.
By Judith Larino