Posibleng lumakas pa at maging super typhoon ang bagyong Kiko na maaaring ang target ay Babuyan Islands o Cagayan.
Ayon ito sa PAGASA, base na rin sa galaw ng bagyong Kiko na malayo pa naman sa kalupaan ng bansa at nasa karagatan pa.
Sinabi ng PAGASA na posibleng dumaan ng Babuyan Islands o Cagayan ang bagyong Kiko bukas ng gabi o sabado ng umaga.
Sa paglabas ng bagyong Jolina at pagpasok naman ng bagyong Kiko, inihayag ng PAGASA na makakaapekto pa rin ang habagat o southwest monsoon ang MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.