Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong tatawaging si Kiko.
Sa tala ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,300 km Silangan ng Central Luzon.
May dala itong hangin na aabot sa 120 km per hour malapit sa gitna at bugso na aabot sa 150 km per hour.
Kumikilos ito sa bilis na 20 km per hour pa Kanluran Hilagang Kanluran.
Wala pa namang naitatas na anumang tropical typhoon wind signal dahil kay bagyong Kiko.—sa panulat ni Rex Espiritu