Napanatili ng bagyong Kiko ang lakas nito habang kumikilos patungo sa karagatan, silangan ng Northern Taiwan.
Ang sentro ng bagyong Kiko ay pinakahuling namataan sa layong 395km. hilaga ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyong Kiko ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 175km/hr sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 215km/hr.
Ang bagyong Kiko ay kumikilos pa hilaga hilagang kanluran sa bilis na 20km/hr.
Inalis na ang iba pang storm signal dulot ng bagyong Kiko bagamat nasa Signal number 1 ang lalawigan ng Batanes.
Ang bagyong Kiko ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon.