Napanatili ni typhoon Kristine ang lakas nito nang lumabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ganap na alas dyes kagabi, nasa 1,080 kilometers sa northeast ng extreme northern Luzon si bagyong Kristine habang nasa 185 kilometer per hour naman ang lakas ng kanyang hangin na may pagbugsong 230 kph.
Kumikilos ang bagyo patungong north-northwestward sa bilis na 15 kph at inaasahang daraan malapit sa Amami at Tokara Islands ng Japan Ryukyu archipelago dakong Linggo ng tanghali o kaya’y Linggo ng gabi.
Bagamat hindi na maapektuhan ni typhoon Kristine ang Pilipinas, pero isang gale warning parin ang inilabas ng PAGASA para sa mga naninirahan sa seaboards ng Batanes at Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands.
Habang ang nalalabing bahagi naman ng eastern seaboards ng Luzon at Visayas ay asahan na ang bahagya hanggang sa may kalakasang mga pag-alon.
Pinapayuhan naman ang maliliit na sasakyang pandagat sa mga lugar na ito, na maging maingat at lagging isaalang-alang ang kanilang kaligtasan.