Bahagyang lumakas ang bagyong Lando habang patuloy na kumikilos pa-kanlurang direksyon.
Ang sentro ng bagyong Lando ay pinakahuling namataan sa layong 1055 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Taglay ng bagyong Lando ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 90 kilometro kada oras.
Ang bagyong Lando ay inaasahang kikilos pa-kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.
Bukas ng umaga, ang bagyong Lando ay inaasahang nasa layong 670 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Isabela
Samantala, naghahanda na ang lalawigan ng Isabela sa pagdating ng bagyong Lando.
Kasunod na rin ito ng report ng PAGASA na inaasahang magla-landfall sa Isabela ang nasabing bagyo.
Bahagi nang paghahanda ng provincial government ang pagpapadala ng relief goods sa local government units partikular sa mga bayan ng Dinapigue, Palanan, Maconacon at Divilacan.
Pinaghahandaan na rin ng mga otoridad ang posibleng pagkawala ng supply ng kuryente sakaling bumayo pa ang bagyong Lando na dahilan nang pinaiiral na liquor ban at no sail policy sa Isabela.
By Judith Larino