Bumagal ang pagkilos ng bagyong Lando matapos itong maglandfall sa Casiguran Aurora.
Base sa doppler radar ng baler, huling namataan ang mata ng bagyo sa bisinidad ng Casiguran Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin umaabot sa 175 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 210 kilometro bawat oras.
Tinataya itong kikilos pa-kanluran sa bilis na tatlong kilometro kada oras,
Nakataas ang signal number 4 sa Aurora province.
Signal no. 3 naman sa lugar ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Ifugao at Northern Quezon kasama ang Polillo Island.
Nasa ilalim naman ng signal no. 2 ang Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan islands, Benguet, Mt. Province, Kalinga, Apayao, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, natitirang bahagi ng Quezon at Metro Manila.
Samantala, nananatiling nasa signal no. 1 ang Zambales, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Camarines Norte, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at Batanes.
By: Meann Tanbio