Lalo pang humina ang bagyong Lando matapos itong lumabas sa kalupaan ng Ilocos Norte.
Huling namataan ang bagyo sa layong 130 kilometro hilagang kanluran ng Laoag Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120 kilometro bawat oras.
Tinatayang kikilos ito pa hilagang silangan sa bilis na 5 kilometro bawat oras.
Nakataas naman ang signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao at Northern Cagayan kabilang na ang Calayan at Babuyan Group of Islands.
Signal number 1 naman ang nakataas sa La Union, Pangasinan, Ifugao, Benguet, Batanes, Isabela, nalalabing bahagi ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Mountain Province at Kalinga.
By Mariboy Ysibido