Humina pa ang bagyong Lando at naging tropical depression na lamang at posibleng maging Low Pressure Area (LPA) sa susunod na 24 oras .
Ang sentro ng bagyong Lando ay pinakahuling namataan sa layong 80 kilometro silangan hilagang silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyong Lando ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Nasa public storm signal number 1 ang Batanes at Northern Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands.
By Judith Larino